Posts tagged ruruits.

#ruruits  #♥  
1 year ago on 03/19/12 at 11:29am

JELINA’s Birthday Bash.

17th birthday kahapon ng isa naming kaibigan. Siya si Jelina.

Sa market.market kami nagcelebrate. Hindi bonggang celebration pero bonggang experience. Lagi ko nga nsasabi, nagawa ko na ngayong college yung ibang mga bagay na hindi ko nagagawa noong highschool at elementary ako.

Ang sarap pagdaanan yung mga bagay na inakala ko dati na hindi ko dapat maranasan. Ang sarap icommemmorate yung mga bagay na ngayon ko lng nagawa, buong buhay ko.

Ang sarap makipag tawanan at makipag hagikhikan kasama ng mga kaibigan mo habang nakaupo kayo sa damuhan. Ang sarap magbasaan sa fountain kahit wala kang pamalit na damit. Ang sarap makipaghabulan habang nakayapak. At napakasarap ng feeling na sama-sama ninyong panunuorin ang paglubog ng araw.

Na kahit kayo yung pinagtitinginan ng mga tao dahil sa sobrang iingay nyo ee aus lang. Na kahit dinaig nyo pa ung ibang mga bata sa kaharutan ee aus lang.

At sa isang click ng button ng camera, muli mong masasaksihan ang mga ala-alang dala ng kahapon. :)

#ruruits  
1 year ago on 02/19/12 at 04:05pm

Haha . Ang saya Talaga lalo na pag kasama mo mga kaibigan mo :)

EH kasi bata

Pag teenager naglalaro isip bata agad?? d ba pedeng YOUNG AT HEART muna.

Magccmula ang kwentong pambata mula sa mga feeling bata. Ee baket d pa nmn kme matanda, nagkataon lng na 1st yr college na kame. falushhoot =P

Bawat araw n pumpasok ka sa school, hnd mo iniisip - ano bang magandang laro ngayon?? eto ba o eto?? pagtapos neto ano namn kaya?? Lalo na kung tulad ka naming College na. Ee..sus, tawag lang nmn yung COLLEGE dba ang mahalaga YOUNG AT HEART kami :) sabee.

Pero kahit na hnd mo isipin at paulit ulit isipin kung anong laro ang uso ngayon, ang maiisip mo ee xempre yung uso nung kapanahunan niyo. D pa nmn gnun kaluma yun -kc paulit ulit lng un. At lalo na pag nagsama sama na ang mga isip bata YOUNG AT HEART :)

Yun yung moment na dpt magrereview kayo tapos ee uupo kayo sa isang tabi tapos kkuha ng bato , bibilog, sabay kakanta ng I wanna be a tutubi na walng tinatagong bato na sa aking kamay na nahulog sa lupa tinuka ng manok na nanggaling sa bundok . May iba’t ibang version pa yan ng pagkanta depende sa trip. Tapos huhulaan ng taya kung nakanino yung bato. Pag napagtripan ka nakatago pala yung bato sa bulsa o kaya magugulat ka dalawa na yung bato at xempre malas mo pag naburot ka. 

Tapos pag nagsawa na sa tutubi magkakampihan na yan, patintero, bente-uno, bang-sak,volleyball, luksong baka at kung anu-anong maiimbentong laro ang katapat niyan. O deebaah instant playground ng mga YOUNG AT HEART ang Campus.

Di yan makukuntento hanggat hnd nalalawit ang dila sa sobrang pagod, hanggat hnd nangangamoy pawis at hanggat hnd pa mappgaan ang mga damit dahil sa sobrang pawis.

At kapag inandaran pa yan ng sobrang kaadikan sa paglalaro na akala mo ee nilaktawan yung pgging bata, ee halaah sige! kahit sobrang tirik na tirk ang araw e mggwa pang maglaro niyan ng basketball tapos halos hnd makakashoot dahil sa sobrang katatawa habng naglalaro.

Minsan pa mppgtripan ang white board at dun magddrawing o kaya magsusulat ng kung anu ano. Pero xempre d na uso yung mga NENA love JUAN na ibina-vandal sa kung saan saan. d na rin uso yung mga flames flames na yan . Ee xempre nmn dbah, aba’y grabe na tama nmin kung ganon.

Tapos kung hnd naglalaro ee nagkkwentuhan. Anong pinagkkwentuhan?? ee yung mga pinag eksperimentuhang pagkain lng namn. Yung dahon ng mangga na pinapak. Betsin na pinapak. Pati suka at hilaw na noodles ee hnd rin pinalampas. Andyan pa yung akala mong halo-halo sa sobrang daming ingredients na pinagsama sama tapos titikman. O dba . Yung pggng isip bata kaya nmin yung epekto nun?? nakuu, ee wag naman sana :)

At eto pa, ferris wheel at tao mismo ang umiikot, mga paang pinagpatong patong ang nagsisilbing pundasyon. Instant playground tlga :)

Ang sarap ng feeling na katulad mo na YOUNG AT HEART yung mga barkada mo pero hnd rin namn nagpapahuli pagdating sa pagaaral - seryoso. DAW?? whoo.

ahahaha . Basta habang kaya pang magenjoy — ENJOYIN lng. Wag ng hintayin na panghinayangan pa yung mga oras na sana ee di pinalampas.

Okay lang maging YOUNG AT HEART basta kaya mong magpaka mature sa ibang bagay. Di lng kxe lahat nttpos s pgging bata . Tatanda rin tayo . Pero ang mas mahalaga — ee meron tayong kinatandaan hnd tumatandang paurong. :)

FOREVER YOUNG AT HEART :)

#ruruits  #college  #ece  #eh  #kasi  #bata