Kareen at Rose Ann…
Gaano nga ba ako kaswerte ng makilala ko kayo? Ahh noo.. Let me rephrase it, Gaano ako ka blessed?
Naalala nyo nung first day? Kayo yung mga unang tao na nakilala ko sa ECE wan.wan. Tatlong magkakaibang nilalang, pero nagkakasundo. Iba ibang pananaw pero nagkakaisa. I know hnd kayo bngay ni God para wala lang. Binigyan nyo ng kulay ang kakaba kabang 1st yr ko sa PUP.
Hindi ako magaling pagdating sa pagpapakilala ng sarili ko, pero pinalabas nyo yung tunay na ako. Pinadama nyo na hnd ako iba sa inyo. Ang saya saya ko nung nakilala ko kayo. Isang napakagandang chapter na namn ang nabuksan sa buhay ko. Sa inyo ko nagawang sabihin yung mga bagay na hindi ko nasasabi sa iba. Kayo yung mga taong nagpatatag sa akin noong gulong gulo ako. Sa inyo ko ulit naramdamang maging baliw.
Kung tutuusin hindi ko talaga alam kung paano ko nagawang kapalan ang pagmumukha ko na kausapin kayo nung mga oras na dumating ako sa room natin sa algebra. Test agad, pero tinawanan lang natin yun. Nagkaroon agad ng tambayan — Zonta Park. At kahit hnd pa tayo gaanong mag kakaclose nun, ang gaan gaan nyong kasama.
Isang school year na ang dumaan. Pero babaunin ko padin hanggang sa susunod yung mga ala-ala. Ayokong umalis kayo pero mas mahalaga padin yung future natin. Magkikita pa naman tayo diba. Hanggat kaya ko, gagawa ako ng paraan para makasama kayo ulit.
Masaya akong nakilala ko kayo. Kayo na sa simula palang ng pagiging college ko ay naging parte na. Salamat sa pag iintindi sa immature at moody na si Marjorie. Paxenxa dahil hindi ko kayang ipakita ng ayos yung pagpapahalaga ko sa inyo. I am very very blessed to have you.
Alam kong sa susunod na mga journey natin, magkakasama ulit tayo.
Yieeee !! 2nd year na tayo. :) Konting tiis at tiwala lang, malalampasan natin ang hamon ng pagiging college.
Wala ng iiyak aah!! SMILE lang tayo lagi :)
Walang limutan haaaaaaaaa!!!
Mahal ko kayo ! SOOOOOBRAA!! ♥♥♥



